top of page
Search
Writer's pictureMomma Goals

Jolliest Party at Jollibee


How to Plan a Jolliest Party At Jollibee?


Lahat ng parents nangangarap na maibigay sa mga anak nila ang The Best Party for kids. Pero dahil sa sobrang daming kailangan asikasuhin tuwing mag paparty minsan ang parents nag dadalawang isip nalang dahil bukod sa iniisip ang budget, party venue pagluluto, paghahanda at pagaaus sa venue minsan doon palang stressed ka na. Pero as a parent we will always find ways to make our child happy and make their special day fun and memorable.

My Son Zack turned 7 years old this December of 2019 kaya naisipan ko na bigyan sya ng magandang party na alam ko na mag eenjoy sya pati mga bisita nya. Nag start ako mag research tungkol sa mga Jollibee Party Hacks and Mcdonalds Party Hack doon nakauha ako ng idea kung paano mag set up ng party sa places na ganito. Pero dahil limited ang budget ni Mother need ko gumawa ng sarili kong Jollibee Party Hack 2019 dahil feeling ko hindi uubra ung nga suggestion na nabasa ko dahil may mga ilang pagbabago sa rules ng Jollibe Party Package 2019. Nag umpisa ako mag inquire sa pinakamalapit na Jollibee dito sa lugar namin and I was impressed dahil every detail sa packages and party was well discussed by their party coordinator.


Paano nga ba machieve ang Best Party for kids at Jollibee?


1. Start creating a list of Invited People.


Una sa lahat kailangan alamin mo kung ilang tao ba ang iimbitahan mo sa araw ng birthday ng anak mo, ang palilista ng mga bisita ay isang malaking bagay para matukoy mo kung mag kano nga ba ang ilalaan mong budget para sa party mo. Tips for planning a party imbitahin mo lang ang mga close family and friends ng anak mo remember this party is for your child sya dapat ang maimpress mo hindi mga bisita mo.


2. Venue location and Party Zone


Now na nakapagdecide ka na sa mga bisitang pupunta ang next mo nagagawin ay pumunta sa pinakamalapit na Jollibee sa lugar nyo. I suggest doon sa lugar na madaling puntahan accessible ang transpo at malaki ang Party Zone para hindi mag siksikan ang bisita mo my son’s party was held a Jollibee Evangelista at Bangkal Makati dahil maganda at maluwag ang Party Zone at malapit lang sa bahay namin. And also you need to be wise sa pagpili ng time ng event I chose the after lunch sched para its merienda time which is 1:30 – 3:30pm nag kataon lang na nung araw ng Party ng anak ko ay wala kami sinundan na party at wala ding sumunod sa amin kaya hindi kami na gahol sa pag prepare ng mga give aways and game prizes.


3. Start Creating your Party At Jollibee


1. Choose your Party theme.


May mga nakahanda na party theme si Jollibee na pwede pagpilian ng anak mo, as of December 2019 ito ang available theme nila like Jolli Town, Jollibee Fairy Land, JolliRace and Hello Kitty Fun Carnival. At dahil mahilig sa Cars si Zack JolliRace ang napili nya na Theme.




2. Check the Party Favors:



Party Favors fee starts at 1500 inclusive of the following items below.

30 name tags 15 tray liners

30 Balloons 5 boxes of Crayons

15 Assorted Game Prizes 1 Message Board

15 Party Hats Jollibee Mascot Appearance

15 Invitation cards Party Host


Kung sa tingin mo kulang pa ang party favors na included you still have an option to add more fun on your Party favors like:

Loot Bags at Php. 65.00 each Additional Mascot Appearance for 1,000


Themed Cakes By: Red Ribbon 30 mins.

8x12 = 1,150 12x12 = 1,350



In my case sa Jollibee na rin kami nag avail ng Cake para hindi na din gahol sa pagdadala and may rules si Jollibee na bawal magdala ng food galing sa labas para iwas food poisoning, hindi na kami nag avail ng Loot Bags nag pagawa nalang kami ng Personalized Pillow para gawing give aways sa Birthday ng anak ko.


3. Start Creating your food Package:


Sa part na ito pwede ka na pumili ng Food Package remember kailangan maka 30 pax ka muna sa Jollibee Party Package with 5,000 worth of solo items bago ka maka avail ng food sa Value Meal na pwede mo ipang additional sa Food Package mo. Depende naman sa dami ng bisita ang budget mo pero kung talaga fixed ang budget pwede ka naman mamili ng food kakasya sa budget mo. Keep in mind na ang presyo ay minsan nag babago without prior notice kaya kailangan na may extra budget ka rin . At para Sure kayo sa prices manghingi ka ng brochure ng Jollibee para by the time na decided ka na mag book ng Party ay nakaset na din ang Food Package na napili mo.


Example:

Food Package D

241 x 30 = 7230

or

Food Package A

165*31 = 5115


Kapag na achieve mo na yung 30 pax sa Party Meal nila Pwede ka na mag additional ng Value Meal nila. Like this.


Additional Value Meal

1pc chicken Joy with Fries or Ice Cream Sundae Value Meal at 105

105 x 30 = 3150

or


1pc Chicken Joy Value Meal

90*30 = 2700


Price Jollibee Food Package As of December 2019.



Package A (Php 165/Set)

Jolly Spaghetti

Regular Fries

Regular Softdrink

Sundae


Package B (Php 214/Set)

1pc Chickenjoy with Jolly Spaghetti

Regular Fries

Regular Softdrink

Sundae

Package C (Php 210/Set)

Cheesy Yumburger

Jolly Spaghetti

Regular Fries

Regular Softdrink

Sundae


Package D (Php 241/Set)

1 pc Chickenjoy with Rice

Jolly Spaghetti

Regular Fries

Regular Softdrink

Sundae


Ngayon na nakapili ka na ng Food Package ay handang handa ka na Bigyan ng Jolliest Party ang pinaka mamahal mong anak.


So Mag kano nga ba ang nagastos ko sa Pag papaparty sa Jollibee?


Jollibee Party For 50 pax


Food Package D 241*30 = 7230

Additional Food C1 90*20 = 1800

Party Fee = 1500

Themed Cake = 1350

Additional Mascot = 800


TOTAL: 12,680


Oh hindi ba ang Mura lang infairness busog ang mga bisita namin at nag enjoy pa ang anak ko sa party nya, magmula sa umpisa ng party hangang sa matapos damang dama mo at kita ang kasiyahan sa kanyang mukha. Nakamura ka na hindi ka pa pagod sa pag paplano at higit sa lahat na iraos ng masaya ng pinakamahalagang araw para sa anak mo.

MARAMING SALAMAT!

254 views0 comments

Comments


bottom of page